Usapan namin, sa 7-11 ang kita kita, 9:45 kelangan nandon na, kaso yung iba quarter to 11 na dumating. tsk tsk
Brown -- color coding namin -- ay konti lang nagsuot. Umalis kami ng gutom --
;Pero nung nasa bus na kami paalis, kahit papaano naibsan ang pangungulo ng tiyan ko kasi wala kaming ginawa kundi kumain -- at di matapos na picturan. (As usual)
Dumating kami ng 1PM, unang destination -- SM DEPARTMENT STORE.
Nagkaroon ng hiwalayan kasi may mga excited sa cinema, kaya may bumili ng mga ticket for the Eclipse.
Meron na mang iba, kasama na ako, window shopping lang. May mga nang-aasar dahil sa suot kong baggy jeans, pang 80s daw. My mom and I knew na eto ang uso, dahil kilala kami bilang mother-child fashionistas. Kaso, mukhang may iba na talagang di marunong tumingin ng tama at hindi when it comes to fashion. Wish ko nasa Japan ako or Korea. Why? Kasi dun wala pakealaman. Kung anu suot mo, cute ka na dun. E dito sa Pinas, nagkaroon na nga ng bansag na Jejemon, gangstah na paangasan, hip hop na pa-astigan, emo na walang ibang alam na kulay ay black, at marami pang pasikat na sa aking opinyon, ay BADUY. Aminan na, naiinis ako 'pag iniinsulto ako sa suot ko, ayaw nalang kasi nilang pabayaan. Kanya-kanyang trip 'toh, damn it, mind your own fashion!
Okay, pagkatapos mag window shopping, nagsimula na namang mangulo ang maingay naming tiyan.
Sa Mang Inasal ang tropa at ang birthday celebrant, at ang mga ALIEN sa Max.
Maron kasi kaming tropa na walang inintindi kung 'di ang kanyang bestfriend na si .. *SHUT UP BHEV!*
Kahit na kasama ang BF, mas trip kasama nga si ANO. Naawa tuloy ako sa BF niya, parang mas mahalaga pa kasi si ANO kesa sa kanya. Parang 'yung mag best friend na parehong babae ang mag syota at hindi ang official BF. TSK! So anyway, para naman hindi ma OP at ma-bored, I accompanied him.
Pagkatapos ng lunch, cinema naman ang sunod. Nagtagal kami kasi naman:
1. Yung mga ALIEN nakabili na nga ticket for Eclipse, kaya hindi namin alam kung Eclipse or Toy Story 3.
Meron kas samin, kasama ako na gusto panoorin ang Toy Story kesa Eclipse. Puro lalake, ako lang ata ang babae sa'min na gustong panoorin ang Toy Story 3 kesa nga sa isa.
2. Walang money ang iba kaya hindi makabili ng ticket.
Eto naman ang naging final decision namen:
1. Dahil mas madami ang gusto ng Eclipse, and dahil nga 'yung mga ALIEN ay nakabili na ng ticket, we decided na sa Eclipse na nga. Pero ang totoo, ayoko talaga ng Eclipse. I don't know why, siguro kasi hindi ko feel ang mga love movies ngayon. I want something thrilling or funny movies. :L
2. Pinautang yung iba para walang maiwan. Ako nagpasimuno, ayoko ko kasi ng hindi kami kumpleto :)
So eto na nga, sana movie na kami ..
Eto ang mga situations naming magulo:
1. Kami ang pinaka-maingay sa loob ng sinehan. Maraming nanunuway, pero wapakels kami.
2. Palipat-lipat kami ng upuan, kaya ang gulo gulo namin ng over-ness. Pero okay lang kasi nasa pinakadulo at likod kami kaya walang pakealam ang mga nasa unahan.
3. Lahat ng mag couple, tabi-tabi. BUSHET.
Kaya lumayo ako ng konti, hindi ako mapakali pag nakakakita ako ng mga nag hoholding hands, tapos magkayakap pa. Paksyet! Sinehan ba talaga 'toh of lovers park?
4. Wala akong naintindihan sa napanood ko. I mean, yeah nalaman ko 'yung mga pangyayare and 'yung situaton ng movie, kaso hindi ko feel. Tae na puro halikan pa! Ayoko lang talaga siguro ngayon ng mga love love na 'yan.
Sa anime nga, puro adventures and action na ata mga pinapanood ko. Wala ng kahit anong romance. :|
5. Inantok lang ako sa loob. -_-
Pagkatapos, window shopping ulet. May mga bumili ng flipflops, ako bumili ng headband na dog ears. Carry ko naman, so okay lang,
Tapos uwi na ..
Masaya na sana kaso .. ***
Check my Facebook photos. Mas madami photo don :)
0 comments:
Post a Comment