Sunday, November 28, 2010

CONGRRRRATULATIONS.

0 comments
I'm BAAAAACK!!
Sorry for all the late updates, anyway..
It's already 28th of Novermber, *wheuw* How time flies nga naman 'di ba?
So, tama na ang emote sa'kin blog and it's time to show the bright side. :)

Malapit na ang birthday ni Alwie and I've got to do something.
Yet, I don't have any money to buy something for him.
A little help would do bloggerista.
Hmm. I can't really think of something.
Hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng money?
I'm getting poor na. LOLjk

I'm currently watching One Piece. I'm already at episode 274 out of 477! WOAH.
Yeah, I know I know. Masyadong mahaba. But who cares? I'm enjoying seeing how Luffy and his 'nakama' fight with those bad villains. (Nakama means friends, comrade, whatever but not as close as lover) -- Plus, I learned a new Japanese word. How cool is that, hee.

Errr. The dark side is, aburido na naman ako sa mga hindi marunong umintindi sa'kin for joining the FOJ Ministry. But, that's another issue. I'm having fun hanging out with Alwie and his cousins, I mean jolly cousins.
Ask me why? Pareho sila ng mga ugali, they all love having fun.
Though, sometimes na a-out of place na ako kasi I feel like I don't belong. Well, sometimes lang naman. :)

ANYWAYYYY,
I wanna congratulate Alwie Ablola Torrente for winning the title of Mr. Kingsway 2010. Dahil sa kanya, namaos and nanakit ang lalamunan ko plus nagkaroon ako ng trangkaso for 2 days. And dahil d'yan hindi ako nakapasok sa last day ng Foundation Day of our school. Hoo.
Aba, proud ako kasi isa ako sa talagang sumoporta at halos mangiyak ngiyak sa kaba ng mag aanounce ng winner ahh! I was like, staring at one phase and thinking "ALWIE. ALWIE. ALWIE. SIYA ANG MR. KINGSWAY WALA NG IBA. OKAY BHEV, TIME TO BREATH. BREATHHH." Hahaha. Emotera ang lola niyo. So, why am I so supportive to him? None other reason because he's my best friend and I love him for that. Yosa. XD

I was thinking, bakit nga ba hindi ako sumali sa pageant? Well, it's a secret. : >

Wednesday, November 3, 2010

Masakit.

1 comments
HIGHLIGHT TO READ

Umagang umaga, excited ako. Tapos na rin kasi ang sembreak, tapos na ang kahirapan at boredom. Na-miss ko mga kaklase ko lalo na ang tropa. Sabi ko sa sarili ko, magsisimula ulit ako ng panibago. Hindi na ako magpapatalo sa wicked kong tropa, hindi na ako magpapalinlang kay Shanaine, at ise-spend ko ang days ko with my best friend happily. 'Yun ang akala ko. Akala ko tapos na ang mga nakakainis na araw, new month na rin kasi di ba? Hindi man lang nagtagal ng isang oras, ako na naman ang naging clown ng buong samahan. Ako ang pinaka-nakakatawa, ako ang pinaka nakakahiya, ang ang laging tatanga-tanga. Wala naman akong magawa, reality 'to, hindi isang fairy tail na laging masaya. Ang hirap hirap ipaliwanag, ang hirap hirap magsalita. Wala nalang akong masabi. Wala nalang din akong emosyon na maipakita. Hindi ko kayang masaya ako lagi lagi sa harap ng ibang tao, pero hindi naman ako papayag na makita nilang naiyak ako.

Umiyak nga ako, kanina. Bago ko pa simulang mag type, bago at habang kumakain ng hapunan. Weird? Umiiyak habang nakain, ako lang naman kasi mag-isa. Wala silang pakealam. Bakit nga ba ako umiiyak?
Masakit eh. Ang sakit sakit ng dibdib ko, ang bigat bigat. Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako makapag gawa ng ingay kasi ayokong may makapansin sa'kin. Napapansin ko sa sarili ko, palagi nalang ako naiyak. Gabi-gabi nalang bago matulog. Dun ko nalang binubuhos ang galit at sakit na nararamdaman ko.

Ang hirap kong intindihin noh? Kahit ako hindi ko rin maintindihan sarili ko eh. Naiinis ako kapag kahit ang ang daming taong nakapaligid sa'kin, piling ako mag-isa. I feel alone. Hindi ko kayang sumabay, kasi hindi naman ako yung taong palaging open sa iba. Timid ako.

Lagi akong speechless, lagi akong may takot na baka hindi rin nila ako kayang intindihin. Yun ang pinamukha nila sa'kin eh. Fear. Takot akong hindi nila ako matanggap. Takot akong hindi nila ako kayang pakisamahan. Wala akong lakas ng loob. Lagi nalang akong rejected, neglected. Bihira ko nalang marinig ang oo, laging hindi. Lagi kong nararamdaman na mag isa ako, na hindi nila kauri, na kakaiba ako. Ang sakit. 

May mas masakit pa dun, yung makita mo ang pinaka gusto mong makasamang tao mas enjoy kasama ang iba, kesa sayo. Yun. Hindi naman ako manhid, nararamdaman ko yun sa tuwing magkakasama kaming lahat. Wala naman akong magawa. Hindi ako perpekto, maraming mali sa'kin. Okay lang naman sana yung mga maling yun eh, kaso.. walang kayang tumanggap eh.

Sensitive, jealous, timid and have no confidence. Yan na siguro ang pinakamapanget na katangian ko, pero bakit ganun? Di ba pag panget, lagi yun ang napapansin na katangian. Nakakainis nga dapat yun eh? Pero bakit hindi nila nakikita? Hindi nila alam na mahina ako. Na hindi ako ganun katibay? Bakit?

Ang hirap magpanggap. Hanggang kelan ko kaya kayang ngumiti sa harap nila? Kakayanin ko. Hindi ko hahayaang makita nila kung ano ang madilim na ako. Ayokong makita ang pait sa'kin. Hindi ako papayag.


Popular Posts