HIGHLIGHT TO READ
Umiyak nga ako, kanina. Bago ko pa simulang mag type, bago at habang kumakain ng hapunan. Weird? Umiiyak habang nakain, ako lang naman kasi mag-isa. Wala silang pakealam. Bakit nga ba ako umiiyak?
Masakit eh. Ang sakit sakit ng dibdib ko, ang bigat bigat. Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako makapag gawa ng ingay kasi ayokong may makapansin sa'kin. Napapansin ko sa sarili ko, palagi nalang ako naiyak. Gabi-gabi nalang bago matulog. Dun ko nalang binubuhos ang galit at sakit na nararamdaman ko.
Ang hirap kong intindihin noh? Kahit ako hindi ko rin maintindihan sarili ko eh. Naiinis ako kapag kahit ang ang daming taong nakapaligid sa'kin, piling ako mag-isa. I feel alone. Hindi ko kayang sumabay, kasi hindi naman ako yung taong palaging open sa iba. Timid ako.
Lagi akong speechless, lagi akong may takot na baka hindi rin nila ako kayang intindihin. Yun ang pinamukha nila sa'kin eh. Fear. Takot akong hindi nila ako matanggap. Takot akong hindi nila ako kayang pakisamahan. Wala akong lakas ng loob. Lagi nalang akong rejected, neglected. Bihira ko nalang marinig ang oo, laging hindi. Lagi kong nararamdaman na mag isa ako, na hindi nila kauri, na kakaiba ako. Ang sakit.
May mas masakit pa dun, yung makita mo ang pinaka gusto mong makasamang tao mas enjoy kasama ang iba, kesa sayo. Yun. Hindi naman ako manhid, nararamdaman ko yun sa tuwing magkakasama kaming lahat. Wala naman akong magawa. Hindi ako perpekto, maraming mali sa'kin. Okay lang naman sana yung mga maling yun eh, kaso.. walang kayang tumanggap eh.
Sensitive, jealous, timid and have no confidence. Yan na siguro ang pinakamapanget na katangian ko, pero bakit ganun? Di ba pag panget, lagi yun ang napapansin na katangian. Nakakainis nga dapat yun eh? Pero bakit hindi nila nakikita? Hindi nila alam na mahina ako. Na hindi ako ganun katibay? Bakit?
Ang hirap magpanggap. Hanggang kelan ko kaya kayang ngumiti sa harap nila? Kakayanin ko. Hindi ko hahayaang makita nila kung ano ang madilim na ako. Ayokong makita ang pait sa'kin. Hindi ako papayag.
1 comments:
Congratulations to AKO SI ARIS for being NUMBER ONE in this week's Hall of Fame! Check out who else made it to the top at BNP! :)
Post a Comment