Friday, March 5, 2010

I'm Sorry, Bhezt!

Di ko naman sinasadya.
Masama lang talaga loob ko.
Alam ko hindi ka OK, so please don't pretend.

Inis na inis na talaga ako kaya ko nasulat 'yung lahat. Ayoko lang naman kasi ang pinagtatambal ako sa hindi ko gusto and ayoko din ng pinapakeelaman ako sa lovelife ko. Hindi ako maarte, ayoko lang sa kanila. Hindi ako pikon, tumatahimik lang ako para hindi ako maapektuhan. Para sa'kin, lahat ng pang aasar niyo sa'kin ay wala lang, pero lahat ng sobra bawal. Lahat kasi nang nangyayari sa'tin parang biro lang, pero sa totoo lang masakit yung iba 'dun. Di ko sinasadya mga sinulat ko sa papel. Kilala niyo ako, lahat ng thoughts ko sinusulat ko. Kaya intindihin niyo nalang, eto kasi ang tunay na bhev sa puso ko. Iba man ako sa ibang tao, sa inyo totoo ako, pero may isang bagay na gusto kong pakawalan, mga grudge na agad din naman nawawala. Maramdamin akong tao, pagpasesyahan niyo na. Lalo na sa'yo bhezt, na siyang nakabasa ng hinanakit ko sa inyo, corny man pero sorry talaga. Di ko sinasadya, alam ko nasaktan ka, nainis ka, bahala na. Pero please remember always na, si bhev ay nakasama niyo, naging tropa niyo, sana hindi n'yo yan malimutan,a nu man ang mangyari.

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts