Friday, April 9, 2010

"Headband" Case >:{[

This is the story.

Nung isang araw (April 8, 2010 Thursday), kasama ko si Alwie sa bayan dahil balak naming mag gala. Pumunta kami sa Something's Special Store, as we went there, nakita ko 'tong headband na matagal ko ng gustong bilhin.
So binili ko nga dahil meron naman akong pera na ibinigay ni Mama Mely. Nagkakahalaga ang headband na ito P125, may kamahalan para sa isang headband, kaya naman tuwang-tuwa ako nung nasa kamay ko na. Pagkatapos kong bilhin ay nagkahiwalay na kami ni Alwie ng daan pag-uwi, habang hawak-hawak ang headband.
Nasa canteen ako nina Tita kasama niya asawa niya na si Tito Jigz, napagkasunduan namin na babantayan ko si Lola dahil nga may sakit. Mag gagabi na, bago ako umuwi iniabot sa'kin ni Tita 'yung pagkain ni Lola para sa kinabukasan. Isinabay ako kay Ate Teri sa pag-uwi para safe.
Nasa Malainen Bago na ako, kay Lola Ester, iniabot ang ipinadalang pagkain at gamot, habang suot-suot sa ulo ko ang headband. Bago kami matulog ni Lola, tinanggal ko headband ko sa ulo ko at ilinagay sa kama, katabi ko.

Kinabukasan (April 9, 2010 Friday), paggising ko nakita ko pa 'yung headband ko sa tabi ko, itinabi ko muna sa isang lalagyanan kung saa hindi mawawala at hindi ko malilimutan. Bago mag tanghali, naligo ako. Pinapunta ako ni Lola kina Titang Canteen, may ipinapasabi. Pagkatapos ay dumaretso na ako sa amin, sa San Roque. Pagdating ko sa amin ay agad akong nag laptop, suot ko pa'rin ang headband ko. Naalala ko pa 'nung pinuri ni Daddy 'yung headband ko. Kinagabihan, inialis ko muna headband ko at ipinatong sa ibabaw na lalagyanan ng PC kasama ng isa ko pang headband. Matutulog na ako at ang headband ko ay nasa kinalalagyan pa'rin.

April 10, 2010 Saturday. Kagigising ko lang at agad kong hinanap ang headband ko dahil nakaramdam ako ng wierd na feeling. Hindi ko makita headband ko. Hinanap ko kung saan-saan, sa cabinet, sa lalagyanan ng PC ko kung saan ko inilagay 'yung headband, sa labahan, sa bag, sa kwarto, pero wala. Hindi ko nakita. Humarurot na naman ng pang iinis ang ama kong magaling, at sinabi pang "in-love" daw siya. Nung una, nagdududa ako sa kanya kasi walang imik habang ako'y mamamatay na sa kahahanap ng headband ko. Tapos idinagdag niya pa na "in-love" daw siya. Naisip ko, hindi naman basta basta mawawala headband ko kung walang kumuha eh. Si Daddy lang naman ang hindi ko pinagkakatiwalaan, dahil na 'rin sa ilang beses niya akong pinagnakawan at dahil siya lang ang nangenge-alam ng mga gamit ko.
Lalo pa akong nagduda dahil habang hinahanap ko, nasabi ni Mama Mely na "ilabas mo na Toti, tinatago mo ata eh". Pabiro lang naman ang pagkakasabi, pero over sa act ang response ni Daddy, Inis na inis na sobrang deny.
Naisip ko, dahil nga may kagandahan at kamahalan ang headband ko, 'di kaya may balak siyang iregalo sa kanyang liniligawan 'yung headband ko?? Bihira niyang sabihin na may liniligawan, 'saka bakit todo deny siya?

------------

WHAT! WHAT! WHAT! WHAT! - ???????

Habang nag cocompose ako nito 'bout sa headband ko, nag rushed si Mama Mely at iniabot headband ko ???? Nakita niya daw sa CR, sa likod. Nagtataka lang ako, bakit mapupunta don headband ko? Eh kahapon hindi ako pumunta don kahit once, di naman ako naligo sa'min, sa Lola Ester ako naligo. Sakabilang CR naman ako naihi. Hm. Hindi kaya nag guilty si Daddy kasi sinabi ko ng pasigaw kanina na hindi ako mapapakali hangga't di ko nakikita headband ko? Hm. Haha pasenya na, wala talaga akong trust sa ama kong magaling eh. Haha ang dami kng ping iisip. Damn this imagination! Haha.

So anyway, eto ang itsura ng headband na hinahanap ko.



haha ang panget ko ngayun! LOL.
wala kayong mag gagawa, aba kagigising ko lang banas na banas ako kanina. Buti nahanap na. :))
Haha. oily pa face ko, haha.
So anyway, yan na nga. Kulay green na beads :)

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts